Uncategorized

5 Reasons Kung Bakit Ka Mataba

Firstly, this is not a serious post. Take a chill pill, it’s more likely a note to self kind of thing. LOL!

5. TAMAD KA

Ito yung gusto mo ng pumayat pero ang tamad tamad mong mag-exercise. Madami kang excuse na wala kang pang-gym miski rubber shoes wala ka. Panay upo ka na nga sa school or office eh ayaw mo pang magkikilos. Utang ng loob, gumamit ka hagdan if meron! Yung oras mo para mag-exercise sa bahay eh nauubos sa kaka facebook or instagram mo ng nakaupo or nakatihaya. Kahit pilitin ka ng family members, barkada or officemates mong mag-exercise, jogging, zumba eh masaya kana na panoorin sila or wagas na “sige next time”. Tapos magtatalak ka ng ang taba taba mo sa mga photos! Haaay. WAG KANG UMASA SA PHOTO EDITING APPS. Wag kang TAMAD!

4. ANG SIBA MO

Ito yung sabi mo diet ka na, pero laging cheat day. Yung pag may handaan eh kung makakain ka wagas para kang mauubusan. Tapos pag kakain kayo sa labas ng mga friends mo yung dapat matikman mo din mga inorder nila para lang masabi if masarap ba order nila kahit naman natikman mo na before. Yung diet ka, pero ang hilig mo sa softdrinks, ice tea or shake. MAGTUBIG KA! Yung diet ka pero pag umorder friends mo ng dessert eh ayaw mong papaisa at dapat pantay pantay ang dukwang niyo. Hindi na SECRET na dapat iwasan ang carbs at sugar noh! Mataba na tanga pa.

3. DAMI MONG DAHILAN

Ito yung pag sinasabihan ka ng mga friends mo na tumataba kana pero ang dami mong dahilan. Excuses ang sinasabi mo like kakapanganak ko palang pero nakakalakad na anak mo, kesyo trip mo magpataba para maiba naman or hindi mo maiwasan ang alak or beer na nagpapalaki ng tiyan mo. May iba pa diyan na sobrang creative, yung nagiisip pa ng health conditions para lang majustify. May mga friends kanang pumayat sa gym or sa weight loss products tapos ikaw kasi takot ka sa diet pills or delikado or daming tao sa gym. Dami mong alam! May iba pa na tumaba kasi dami daw pera pang bili ng food. WELL, hindi namin kailangan ng excuses or justification. Comment lang naman yan, d naman kami interested sa reason. Gawan mo na lang ng paraan.

2. LIKAS KANG MATABA

May mga taong nasa genes ang pagiging mataba or chubby. May payat noong bata tapos tataba pag teenager na or pag tungtong ng adult life or chubby ng bata tapos namaintain pag tanda. Lol. Well if happy ka na, then good for you. If not, then do something. Again, hindi mo naman pwedeng gawing excuse yan forever. Paghirapan if necessary at mag-focus, kasi hindi naman lahat chubby chaser.

1. MASAYA ANG LOVE LIFE MO

Ito yung payat kayo nung hindi pa kayo or “dating” palang ng bf / gf mo pero nung medyo matagal na kayo eh nagsisimula ng maging hilig niyo ang food trip, buffet and midnight snack. Sobrang kampante na kayo at feeling secured kaya napabayaan na ang sarili samantalang nung single ka eh priority mo ang fitness at magpaganda at magpapogi. Walang forever noh! Bago pa siya maumay at makakita ng mas maalindog at hot eh do something. Wag kampante. BILOG ANG MUNDO, masaya man love life mo eh pag hindi ka umayos eh, baka magulat ka nalang eh wala na kayo. YAN SURE NA PAPAYAT KA. Nakaka-dehydrate umiyak. Nakakapayat dahil wala kang gana kumain, kaso too late na.

If may excuse ka pang alam please comment below pero pustahan, wala namang interested magbasa. Sino ka dyan? 5, 2 or 1 ?

If you want to lose weight safely and easily ng totoo, try EasySlim10 Supplement. Yan gamit ko. Napakaraming reviews sa Shopee and Lazada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *